“Mararamdaman mo ang sakit kapag ika’y nag-iisa na.“ amin ng dalagitang nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana.
Sa isang kuwarto, sa isang sulok, naroon ang isang dalagang humahagulhol. Nagmumukha na siyang asong ulol. Pilit na pinipigilan ang sarili na mapaiyak pero sadyang patuloy na pumapatak ang mga luhang dulot ng mapait na pag-ibig na nararanasan. Paano maiiwasan ? Paano makakalimutan ? kung saang sulok siya mapatingin ay naroroon ang guni-guni ng kahapon. Siya ay napalunok. Narinig na may kumakatok. Natahimik. Hindi umiimik. Mayamaya’y bumukas. Napapikit dahil sa ilaw na nakabukas. Sinigawan. Binulyawan. Napatalikod. Pilit iniignora ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Siya tuloy ay nagmumukhang kawawa. Aakmang aalis. Pero siya’y nagtatagis. Napaupo. Nanlulumo. Nagmamakaawa. Kaawa-awa. Tumayo. Nagpaalam na lalayo. Pinigilan. Walang alinlangan. Itinulak. Lango na sa alak. Iniwan. Nagmumukhang basahan.
Bakit nga ba ka’y pait ng pag-ibig? Puwede bang huwag na itong lumapit ? kung pag-ibig ay sadyang masakit, bakit kailangan pang maramdaman ang hapdi at ang bunga nitong napakalupit?
Napatingin siya sa kawalan ? Pilit inaalala ang mga nagawang kasalanan. Napaiyak. Puso ay mabibiyak. Saka pa naalala ang mga nagawa. Isang araw. Binisita. Sinita. Nagmamakaawa. Mahalin at ito’y maawa. Siya ay buntis. Nasasaktan na ng labis. Siya ay desperada. Lahat ng magagawa ay ipinarada. Humihiling. Siya ay napailing. May iba ng mahal. Siya ay banal. Nagalit at nasuklam. Nagmumukhang mangkukulam. Maghihigante. Kinuha ang kutsilyo sa pahinante. Sumugod. Pinigilan. Hinarangan. Ikaw ay natuwa. Siya’y nasaksak. Ang mahal mo’y bumagsak. Napaiyak. Babae ay iyong binugbog. Dahil siya ang bagong mahal ng iyong iniirog. Ikaw ay tumawa. Ngunit ikaw ngayon ay masama.
Ngunit siya ay nabuhay. Buhay mo ay nawalan na ng kulay. Siya ay lumapit. Ikaw ay napakapit. Niyakap. Ikaw ay nasa alapaap. Patawarin. Napailing dahil ikaw ay salarin. Nagpaliwanag. Ikaw ay nabigyan ng liwanag. Nagising. Naliliyo pa rin dahil sa pagkalasing. Natahimik at napatigil. Dapat sana ay kanyang pinigilan. Hindi tuloy siya ngayon ay nasa kulungan. Tumayo. Humayo. Lumapit. Napapikit. Napatingin sa repleksyon. Binuksan ang salamin. Napangiti. Parang kinikiliti. Tumayo. Umakyat sa bangko. Itinulak. May binabalak. Nasasakal. Mukha ay parang puting asukal. Napaluha. Narinig ang pag-uha. Dahan-dahang napapikit. Hapdi ay nakaukit. Babaeng nakabitin. Saksi ang salamin. Pusong iniwan. Pusong kinalimutan. Pusong tinalikuran. Tanging ang salamin lang ang may alam ng katotohanan.
Ang Lihim sa Likod ng Salamin
Posted by _elated_ at 8:58 PM
Labels: anatomy of love
0 Comments:
Post a Comment